Archive for January, 2021

January 2, 2021

ang salita

may himig at dula

sa pagitan ng espasyo

kinukubli ang masalimu-ot

na poot.

wag magpakatanga

wag magpakahunghang

kilalanin ang buwang

sa kanya nakasalalay

ang lupang di maintindihan.

ano ang sabing nuno sa punso?

ang rekursong taglay

sa pamumuhay

nakabatay.

ang isda ay yayabong

pag karagatan

di sumabong.

ang sasakyan aaligid

sa mga pumapaligid.

ang bato ay matipuno.

ang ingay ay aswang.

ang aswang ay alibangbang

ng sanlibutan.

saan papadpad

ang kaluluwang di natupad?

sa batas ng tao

na may pinuno.

paano pag batas

ay hindi natupad?

ang aswang lilipad

tangay ang siyudad.

ano ang katangian ng aswang?

may pakpak na kumakagat,

may ilog na may buntot,

sa kanya makikita

ang niyog na bumabaluktot

sa katagang iniisip

ng kamay na mabilis.

(ano ang halagang isang mumurahing rhoda?

siya ay reynang pagka-alala.

paano gagampanan ang misyon ng lahi?

isawalang-bahala.kamay na bakal,magwawakas na.)

– 01.01.2021